-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
8
|2 CorÃntios 13:8|
Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.
-
9
|2 CorÃntios 13:9|
Sapagka't kami'y natutuwa kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.
-
10
|2 CorÃntios 13:10|
Dahil dito'y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
-
11
|2 CorÃntios 13:11|
Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo.
-
12
|2 CorÃntios 13:12|
Mangagbatian ang isa't isa sa inyo ng banal na halik.
-
13
|2 CorÃntios 13:13|
Binabati kayo ng lahat ng mga banal.
-
14
|2 CorÃntios 13:14|
Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21