-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
9
|LevÃtico 11:9|
Ang mga ito'y inyong makakain sa mga nasa tubig: alin mang may mga palikpik at mga kaliskis sa tubig, sa mga dagat at sa mga ilog, ay makakain ninyo.
-
10
|LevÃtico 11:10|
At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat, at sa mga ilog, at sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng may buhay sa tubig, ay pawang karumaldumal nga sa inyo.
-
11
|LevÃtico 11:11|
At magiging karumaldumal sa inyo; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumaldumal.
-
12
|LevÃtico 11:12|
Anomang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumaldumal sa inyo.
-
13
|LevÃtico 11:13|
At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat:
-
14
|LevÃtico 11:14|
At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas;
-
15
|LevÃtico 11:15|
Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak;
-
16
|LevÃtico 11:16|
At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan;
-
17
|LevÃtico 11:17|
At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago;
-
18
|LevÃtico 11:18|
At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano, at ang buitre;
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21