-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
25
|LevÃtico 18:25|
At nadumhan ang lupain: kaya't aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan, at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan.
-
26
|LevÃtico 18:26|
Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo:
-
27
|LevÃtico 18:27|
(Sapagka't ang lahat ng karumaldumal na ito, ay ginawa ng mga tao sa lupaing iyan, na mga una kaysa inyo; at ang lupain ay nadumhan);
-
28
|LevÃtico 18:28|
Upang huwag naman kayong iluwa ng lupain, sa pagkahawa ninyo, na gaya ng pagluluwa sa bansang nagsitahan ng una kaysa inyo.
-
29
|LevÃtico 18:29|
Sapagka't yaong lahat na gumawa ng alin man sa mga kahalayang ito, sa makatuwid baga'y ang mga taong magsigawa ng gayon ay ihihiwalay sa kanilang bayan.
-
30
|LevÃtico 18:30|
Kaya ingatan ninyo ang aking bilin, na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo, at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan: ako ang Panginoon ninyong Dios.
-
1
|LevÃtico 19:1|
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
-
2
|LevÃtico 19:2|
Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kayo'y magpakabanal; sapagka't akong Panginoon ninyong Dios ay banal.
-
3
|LevÃtico 19:3|
Matatakot ang bawa't isa sa inyo, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama, at ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath: ako ang Panginoon ninyong Dios.
-
4
|LevÃtico 19:4|
Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo: ako ang Panginoon ninyong Dios.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21