-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
11
|LevÃtico 21:11|
Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man, ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama, o dahil sa kaniyang ina;
-
12
|LevÃtico 21:12|
Ni lalabas sa santuario, ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios; sapagka't ang talaga na langis na pang-pahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya: ako ang Panginoon.
-
13
|LevÃtico 21:13|
At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis.
-
14
|LevÃtico 21:14|
Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya.
-
15
|LevÃtico 21:15|
At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya.
-
16
|LevÃtico 21:16|
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
-
17
|LevÃtico 21:17|
Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.
-
18
|LevÃtico 21:18|
Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, o ang mayroong kuntil,
-
19
|LevÃtico 21:19|
O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,
-
20
|LevÃtico 21:20|
O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o luslusin:
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21