-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|1 Crónicas 26:11|
Si Hilcias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacharias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo.
-
12
|1 Crónicas 26:12|
Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon.
-
13
|1 Crónicas 26:13|
At sila'y nangagsapalaran, gayon ang maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.
-
14
|1 Crónicas 26:14|
At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.
-
15
|1 Crónicas 26:15|
Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.
-
16
|1 Crónicas 26:16|
Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.
-
17
|1 Crónicas 26:17|
Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.
-
18
|1 Crónicas 26:18|
Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.
-
19
|1 Crónicas 26:19|
Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.
-
20
|1 Crónicas 26:20|
At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4