-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|1 Samuel 1:1|
May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang pangalan niya'y Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliu, na anak ni Thohu, na anak ni Suph na Ephraimita:
-
2
|1 Samuel 1:2|
At siya'y may dalawang asawa; ang pangalan ng isa'y Ana, at ang pangalan ng isa'y Peninna: at si Peninna ay may mga anak nguni't si Ana ay walang anak.
-
3
|1 Samuel 1:3|
At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon.
-
4
|1 Samuel 1:4|
At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain, ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae:
-
5
|1 Samuel 1:5|
Nguni't si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagka't minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
-
6
|1 Samuel 1:6|
At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya, sapagka't sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.
-
7
|1 Samuel 1:7|
At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kaya't siya'y umiiyak, at hindi kumakain.
-
8
|1 Samuel 1:8|
At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak?
-
9
|1 Samuel 1:9|
Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom. Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon.
-
10
|1 Samuel 1:10|
At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Éxodo 5-8