-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Romanos 1:1|
Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios,
-
2
|Romanos 1:2|
Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,
-
3
|Romanos 1:3|
Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,
-
4
|Romanos 1:4|
Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,
-
5
|Romanos 1:5|
Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan;
-
6
|Romanos 1:6|
Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo:
-
7
|Romanos 1:7|
Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.
-
8
|Romanos 1:8|
Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.
-
9
|Romanos 1:9|
Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,
-
10
|Romanos 1:10|
At laging isinasamo ko, kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4