-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|1 Crónicas 4:31|
At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David.
-
32
|1 Crónicas 4:32|
At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan:
-
33
|1 Crónicas 4:33|
At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.
-
34
|1 Crónicas 4:34|
At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias;
-
35
|1 Crónicas 4:35|
At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel;
-
36
|1 Crónicas 4:36|
At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias;
-
37
|1 Crónicas 4:37|
At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias.
-
38
|1 Crónicas 4:38|
Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.
-
39
|1 Crónicas 4:39|
At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
-
40
|1 Crónicas 4:40|
At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7