-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|1 Crónicas 29:19|
At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang templo, na siyang aking ipinaghanda.
-
20
|1 Crónicas 29:20|
At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.
-
21
|1 Crónicas 29:21|
At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;
-
22
|1 Crónicas 29:22|
At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.
-
23
|1 Crónicas 29:23|
Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.
-
24
|1 Crónicas 29:24|
At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon.
-
25
|1 Crónicas 29:25|
At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel.
-
26
|1 Crónicas 29:26|
Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel.
-
27
|1 Crónicas 29:27|
At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon; pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.
-
28
|1 Crónicas 29:28|
At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4