-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|2 Samuel 20:11|
At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab.
-
12
|2 Samuel 20:12|
At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.
-
13
|2 Samuel 20:13|
Nang siya'y alisin sa lansangan, ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.
-
14
|2 Samuel 20:14|
At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa Abel, at sa Beth-maacha, at ang lahat na Berita: at sila'y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya.
-
15
|2 Samuel 20:15|
At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal.
-
16
|2 Samuel 20:16|
Nang magkagayo'y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan, Dinggin ninyo, dinggin ninyo: Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab, Lumapit ka rito, na ako'y makapagsalita sa iyo.
-
17
|2 Samuel 20:17|
At siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi ng babae, Ikaw ba'y si Joab? At siya'y sumagot, Ako nga. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod. At siya'y sumagot, Aking dinidinig.
-
18
|2 Samuel 20:18|
Nang magkagayo'y nagsalita siya, na sinasabi, Sinasalita noong unang panahon, na sinasabi, Sila'y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel; at gayon nila tinapos ang usap.
-
19
|2 Samuel 20:19|
Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon?
-
20
|2 Samuel 20:20|
At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7