-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
24
|2 Samuel 17:24|
Nang magkagayon ay naparoon si David sa Mahanaim. At si Absalom ay tumawid sa Jordan, siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya.
-
25
|2 Samuel 17:25|
At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab. Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra, na Israelita, na sumiping kay Abigal na anak na babae ni Naas, na kapatid ni Sarvia, na ina ni Joab.
-
26
|2 Samuel 17:26|
At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad.
-
27
|2 Samuel 17:27|
At nangyari, ng si David ay dumating sa Mahanaim, na si Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon, at si Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar, at si Barzillai na Galaadita na taga Rogelim.
-
28
|2 Samuel 17:28|
Ay nangagdala ng mga higaan, at mga mangkok, at mga sisidlang lupa, at trigo, at sebada, at harina, at butil na sinangag, at habas, at lentehas, at pagkain na sinangag.
-
29
|2 Samuel 17:29|
At pulot pukyutan, at mantekilya, at mga tupa, at keso ng baka para kay David, at sa bayan na kasama niya, upang kanin; sapagka't kanilang sinabi, Ang bayan ay gutom, at pagod, at uhaw sa ilang.
-
1
|2 Samuel 18:1|
At binilang ni David ang bayan na kasama niya, at naglagay ng mga puno ng mga libolibo, at puno ng mga daandaan sa kanila.
-
2
|2 Samuel 18:2|
At pinayaon ni David ang bayan, ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo. At sinabi ng hari sa bayan, Walang pagsalang ako'y lalabas na kasama ninyo.
-
3
|2 Samuel 18:3|
Nguni't sinabi ng bayan, Huwag kang lalabas: sapagka't kung kami man ay tumakas, ay hindi nila kami aalumanahin, o kung ang kalahati man namin ay mamatay, ay hindi nila kami aalumanahin: nguni't ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin: kaya't ngayo'y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan.
-
4
|2 Samuel 18:4|
At sinabi ng hari sa kanila, Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin. At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan, at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13