-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|2 Samuel 20:19|
Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon?
-
20
|2 Samuel 20:20|
At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain.
-
21
|2 Samuel 20:21|
Ang usap ay hindi ganyan: kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, si Seba na anak ni Bichri ang pangalan, ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari, sa makatuwid baga'y laban kay David: ibigay mo lamang siya sa akin, at aking ihihiwalay sa bayan. At sinabi ng babae kay Joab, Narito, ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta.
-
22
|2 Samuel 20:22|
Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.
-
23
|2 Samuel 20:23|
Si Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel: at si Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo:
-
24
|2 Samuel 20:24|
At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:
-
25
|2 Samuel 20:25|
At si Seba ay kalihim: at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote:
-
26
|2 Samuel 20:26|
At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David.
-
1
|2 Samuel 21:1|
At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita.
-
2
|2 Samuel 21:2|
At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13