-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|2 Tesalonicenses 3:11|
Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.
-
12
|2 Tesalonicenses 3:12|
Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.
-
13
|2 Tesalonicenses 3:13|
Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.
-
14
|2 Tesalonicenses 3:14|
At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.
-
15
|2 Tesalonicenses 3:15|
At gayon ma'y huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.
-
16
|2 Tesalonicenses 3:16|
Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
-
17
|2 Tesalonicenses 3:17|
Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.
-
18
|2 Tesalonicenses 3:18|
Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 1-4