-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Hechos 21:31|
At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan.
-
32
|Hechos 21:32|
At pagdaka'y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.
-
33
|Hechos 21:33|
Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at siya'y ipinagapos ng dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.
-
34
|Hechos 21:34|
At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa kuta.
-
35
|Hechos 21:35|
At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;
-
36
|Hechos 21:36|
Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, Alisin siya.
-
37
|Hechos 21:37|
At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego?
-
38
|Hechos 21:38|
Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao?
-
39
|Hechos 21:39|
Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan.
-
40
|Hechos 21:40|
At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7