-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Hechos 7:11|
Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.
-
12
|Hechos 7:12|
Datapuwa't nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.
-
13
|Hechos 7:13|
At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.
-
14
|Hechos 7:14|
At nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.
-
15
|Hechos 7:15|
At lumusong si Jacob sa Egipto; at namatay siya, at ang ating mga magulang.
-
16
|Hechos 7:16|
At sila'y inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.
-
17
|Hechos 7:17|
Datapuwa't nang nalalapit na ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,
-
18
|Hechos 7:18|
Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.
-
19
|Hechos 7:19|
Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
-
20
|Hechos 7:20|
Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Levítico 17-19