-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
12
|Hechos 15:12|
At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
-
13
|Hechos 15:13|
At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako:
-
14
|Hechos 15:14|
Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan.
-
15
|Hechos 15:15|
At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat,
-
16
|Hechos 15:16|
Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo:
-
17
|Hechos 15:17|
Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan,
-
18
|Hechos 15:18|
Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.
-
19
|Hechos 15:19|
Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios;
-
20
|Hechos 15:20|
Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.
-
21
|Hechos 15:21|
Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16