-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Hechos 26:21|
Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.
-
22
|Hechos 26:22|
Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;
-
23
|Hechos 26:23|
Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap, at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.
-
24
|Hechos 26:24|
At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.
-
25
|Hechos 26:25|
Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.
-
26
|Hechos 26:26|
Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.
-
27
|Hechos 26:27|
Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.
-
28
|Hechos 26:28|
At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.
-
29
|Hechos 26:29|
At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang sa mga tanikalang ito.
-
30
|Hechos 26:30|
At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7