-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Deuteronomio 22:11|
Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo, ng lana at lino na magkasama.
-
12
|Deuteronomio 22:12|
Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo.
-
13
|Deuteronomio 22:13|
Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya,
-
14
|Deuteronomio 22:14|
At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya:
-
15
|Deuteronomio 22:15|
Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;
-
16
|Deuteronomio 22:16|
At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya;
-
17
|Deuteronomio 22:17|
At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan.
-
18
|Deuteronomio 22:18|
At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya;
-
19
|Deuteronomio 22:19|
At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan.
-
20
|Deuteronomio 22:20|
Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Levítico 17-19