-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Deuteronomio 2:11|
Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
-
12
|Deuteronomio 2:12|
Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
-
13
|Deuteronomio 2:13|
Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
-
14
|Deuteronomio 2:14|
At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
-
15
|Deuteronomio 2:15|
Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
-
16
|Deuteronomio 2:16|
Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
-
17
|Deuteronomio 2:17|
Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
-
18
|Deuteronomio 2:18|
Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
-
19
|Deuteronomio 2:19|
At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
-
20
|Deuteronomio 2:20|
(Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 4-6