-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Eclesiastés 7:11|
Karunungan ay mabuting gaya ng mana: oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw.
-
12
|Eclesiastés 7:12|
Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon.
-
13
|Eclesiastés 7:13|
Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot?
-
14
|Eclesiastés 7:14|
Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.
-
15
|Eclesiastés 7:15|
Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa.
-
16
|Eclesiastés 7:16|
Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?
-
17
|Eclesiastés 7:17|
Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?
-
18
|Eclesiastés 7:18|
Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.
-
19
|Eclesiastés 7:19|
Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.
-
20
|Eclesiastés 7:20|
Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Proverbios 12-15