-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
23
|Eclesiastés 2:23|
Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.
-
24
|Eclesiastés 2:24|
Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios.
-
25
|Eclesiastés 2:25|
Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?
-
26
|Eclesiastés 2:26|
Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.
-
1
|Eclesiastés 3:1|
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:
-
2
|Eclesiastés 3:2|
Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;
-
3
|Eclesiastés 3:3|
Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;
-
4
|Eclesiastés 3:4|
Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw;
-
5
|Eclesiastés 3:5|
Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap;
-
6
|Eclesiastés 3:6|
Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5