-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
16
|Esdras 6:16|
At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan.
-
17
|Esdras 6:17|
At sila'y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.
-
18
|Esdras 6:18|
At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises.
-
19
|Esdras 6:19|
At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan.
-
20
|Esdras 6:20|
Sapagka't ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama; silang lahat ay malilinis: at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag, at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote, at sa kanilang sarili.
-
21
|Esdras 6:21|
At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.
-
22
|Esdras 6:22|
At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.
-
1
|Esdras 7:1|
Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias,
-
2
|Esdras 7:2|
Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob,
-
3
|Esdras 7:3|
Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13