-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
60
|Esdras 2:60|
Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu't dalawa.
-
61
|Esdras 2:61|
At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
-
62
|Esdras 2:62|
Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.
-
63
|Esdras 2:63|
At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila'y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim.
-
64
|Esdras 2:64|
Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu,
-
65
|Esdras 2:65|
Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae.
-
66
|Esdras 2:66|
Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu't lima;
-
67
|Esdras 2:67|
Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
-
68
|Esdras 2:68|
At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan:
-
69
|Esdras 2:69|
Sila'y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na anim na pu't isang libong darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7