-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Ester 2:19|
At nang mapisan na ikalawa ang mga dalaga, naupo nga si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari.
-
20
|Ester 2:20|
Hindi pa ipinakikilala ni Esther ang kaniyang kamaganakan o ang kaniyang bayan man; gaya ng ibinilin sa kaniya ni Mardocheo: sapagka't ginawa ni Esther ang utos ni Mardocheo, na gaya ng siya'y palakihing kasama niya.
-
21
|Ester 2:21|
Sa mga araw na yaon, samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, dalawa sa kamarero ng hari, si Bigthan at si Teres, sa nangagiingat ng pintuan, ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero.
-
22
|Ester 2:22|
At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo na siyang nagturo kay Esther na reina: at sinaysay ni Esther sa hari, sa pangalan ni Mardocheo.
-
23
|Ester 2:23|
At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila'y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari.
-
1
|Ester 3:1|
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ng haring Assuero si Aman na anak ni Amedatha na Agageo, at pinataas siya, at inilagay ang kaniyang upuan na mataas kay sa lahat na prinsipe na kasama niya.
-
2
|Ester 3:2|
At lahat ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari, ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman; sapagka't iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya. Nguni't si Mardocheo ay hindi yumukod, o gumalang man sa kaniya.
-
3
|Ester 3:3|
Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari kay Mardocheo: Bakit mo sinasalangsang ang utos ng hari?
-
4
|Ester 3:4|
Nangyari nga, nang sila'y mangagsalita araw-araw sa kaniya, at hindi niya dinggin sila, na kanilang sinaysay kay Aman, upang makita kung mangyayari ang bagay ni Mardocheo: sapagka't sinaysay niya sa kanila na siya'y Judio.
-
5
|Ester 3:5|
At nang makita ni Aman na si Mardocheo ay hindi yumuyukod, o gumagalang man sa kaniya, napuspos nga ng pagkapoot si Aman.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 15-16