-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
21
|Éxodo 5:21|
At sinabi nila sa kanila, Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin.
-
22
|Éxodo 5:22|
At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito? bakit mo sinugo ako?
-
23
|Éxodo 5:23|
Sapagka't mula nang ako'y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan, ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito: at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan.
-
1
|Éxodo 6:1|
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila, at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain.
-
2
|Éxodo 6:2|
At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova.
-
3
|Éxodo 6:3|
At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.
-
4
|Éxodo 6:4|
At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain ng kanilang pakikipamayan, na kanilang pinakipamayanan.
-
5
|Éxodo 6:5|
At bukod dito'y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin; at aking naalaala ang aking tipan.
-
6
|Éxodo 6:6|
Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan:
-
7
|Éxodo 6:7|
At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13