-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
10
|Éxodo 22:10|
Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:
-
11
|Éxodo 22:11|
Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.
-
12
|Éxodo 22:12|
Datapuwa't kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.
-
13
|Éxodo 22:13|
Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.
-
14
|Éxodo 22:14|
At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.
-
15
|Éxodo 22:15|
Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.
-
16
|Éxodo 22:16|
At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.
-
17
|Éxodo 22:17|
Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.
-
18
|Éxodo 22:18|
Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.
-
19
|Éxodo 22:19|
Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16