-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Éxodo 30:11|
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
-
12
|Éxodo 30:12|
Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
-
13
|Éxodo 30:13|
Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon.
-
14
|Éxodo 30:14|
Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.
-
15
|Éxodo 30:15|
Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
-
16
|Éxodo 30:16|
At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
-
17
|Éxodo 30:17|
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
-
18
|Éxodo 30:18|
Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
-
19
|Éxodo 30:19|
At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa:
-
20
|Éxodo 30:20|
Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 1-4