- 
			
				
Leer por capítulos:
- 
									
   Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)									 - 
									
									 
- 
									
									21
									 
									 
									|Job 38:21|
									Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? 									
									    
								 
- 
									
									22
									 
									 
									|Job 38:22|
									Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, 									
									    
								 
- 
									
									23
									 
									 
									|Job 38:23|
									Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? 									
									    
								 
- 
									
									24
									 
									 
									|Job 38:24|
									Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? 									
									    
								 
- 
									
									25
									 
									 
									|Job 38:25|
									Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; 									
									    
								 
- 
									
									26
									 
									 
									|Job 38:26|
									Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. 									
									    
								 
- 
									
									27
									 
									 
									|Job 38:27|
									Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? 									
									    
								 
- 
									
									28
									 
									 
									|Job 38:28|
									May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? 									
									    
								 
- 
									
									29
									 
									 
									|Job 38:29|
									Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? 									
									    
								 
- 
									
									30
									 
									 
									|Job 38:30|
									Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. 									
									    
								 
 - 
									
 - 
				
Sugerencias
 

Haga clic para leer Juan 14-15