-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Job 3:11|
Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
-
12
|Job 3:12|
Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
-
13
|Job 3:13|
Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
-
14
|Job 3:14|
Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
-
15
|Job 3:15|
O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
-
16
|Job 3:16|
O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
-
17
|Job 3:17|
Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.
-
18
|Job 3:18|
Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
-
19
|Job 3:19|
Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
-
20
|Job 3:20|
Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Reyes 4-5