-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
22
|Jeremías 38:22|
Narito, lahat ng babae na naiwan sa bahay ng hari sa Juda ay malalabas sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia, at ang mga babaing yaon ay mangagsasabi, Hinikayat ka ng iyong mga kasamasamang mga kaibigan, at nanaig sa iyo: ngayon ang iyong paa nga ay nalubog sa burak, at sila'y nagsitalikod.
-
23
|Jeremías 38:23|
At kanilang dadalhin ang lahat mong asawa at ang iyong mga anak sa mga Caldeo, at hindi ka makatatanan sa kanilang kamay, kundi ikaw ay mahuhuli ng kamay ng hari sa Babilonia: at iyong ipasusunog ng apoy ang bayang ito.
-
24
|Jeremías 38:24|
Nang magkagayo'y sinabi ni Sedechias kay Jeremias, Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito, at hindi ka mamamatay.
-
25
|Jeremías 38:25|
Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo:
-
26
|Jeremías 38:26|
Iyo ngang sasabihin sa kanila, Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon.
-
27
|Jeremías 38:27|
Nang magkagayo'y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias, at tinanong siya: at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayo'y pinabayaan nilang magsalita siya; sapagka't ang bagay ay hindi nahalata.
-
28
|Jeremías 38:28|
Sa gayo'y tumahan si Jeremias sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem.
-
1
|Jeremías 39:1|
At nangyari nang masakop ang Jerusalem, (nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikasangpung buwan, dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem, at kinubkob;
-
2
|Jeremías 39:2|
Nang ikalabing isang taon ni Sedechias, nang ikaapat na buwan, nang ikasiyam na araw ng buwan, isang sira ay nagawa sa bayan),
-
3
|Jeremías 39:3|
Na ang lahat ng mga prinsipe ng hari sa Babilonia, ay nagsipasok, at nagsiupo sa gitnang pintuang-bayan, si Nergal-sarezer, si Samgar-nebo, si Sarsechim, si Rabsaris, si Nergal-sarezer, si Rab-mag, sangpu ng nalabi sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10