-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
31
|Jueces 1:31|
Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob:
-
32
|Jueces 1:32|
Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila.
-
33
|Jueces 1:33|
Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya.
-
34
|Jueces 1:34|
At piniit ng mga Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol; sapagka't ayaw nilang payagang sila'y lumusong sa libis;
-
35
|Jueces 1:35|
Nguni't inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres, sa Ajalon, at sa Saalbin: gayon ma'y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose, na anopa't sila'y naging mga tagapagpaatag.
-
36
|Jueces 1:36|
At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim, buhat sa batuhan, at paitaas.
-
1
|Jueces 2:1|
At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo:
-
2
|Jueces 2:2|
At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
-
3
|Jueces 2:3|
Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.
-
4
|Jueces 2:4|
At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 11-13