-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
47
|Lamentaciones 3:47|
Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
-
48
|Lamentaciones 3:48|
Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
-
49
|Lamentaciones 3:49|
Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
-
50
|Lamentaciones 3:50|
Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
-
51
|Lamentaciones 3:51|
Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
-
52
|Lamentaciones 3:52|
Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan.
-
53
|Lamentaciones 3:53|
Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato.
-
54
|Lamentaciones 3:54|
Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay.
-
55
|Lamentaciones 3:55|
Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
-
56
|Lamentaciones 3:56|
Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7