-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
19
|Lamentaciones 2:19|
Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
-
20
|Lamentaciones 2:20|
Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
-
21
|Lamentaciones 2:21|
Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak: iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; iyong pinatay at hindi ka naawa.
-
22
|Lamentaciones 2:22|
Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako; at walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon: yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway.
-
1
|Lamentaciones 3:1|
Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.
-
2
|Lamentaciones 3:2|
Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
-
3
|Lamentaciones 3:3|
Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.
-
4
|Lamentaciones 3:4|
Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.
-
5
|Lamentaciones 3:5|
Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
-
6
|Lamentaciones 3:6|
Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10