-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|Miqueas 1:11|
Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon.
-
12
|Miqueas 1:12|
Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.
-
13
|Miqueas 1:13|
Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.
-
14
|Miqueas 1:14|
Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel.
-
15
|Miqueas 1:15|
Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam.
-
16
|Miqueas 1:16|
Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.
-
1
|Miqueas 2:1|
Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
-
2
|Miqueas 2:2|
At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
-
3
|Miqueas 2:3|
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
-
4
|Miqueas 2:4|
Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Números 15-16