-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
51
|Números 26:51|
Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu.
-
52
|Números 26:52|
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
-
53
|Números 26:53|
Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan.
-
54
|Números 26:54|
Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana.
-
55
|Números 26:55|
Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin.
-
56
|Números 26:56|
Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti.
-
57
|Números 26:57|
Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita.
-
58
|Números 26:58|
Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram.
-
59
|Números 26:59|
At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila.
-
60
|Números 26:60|
At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Filipenses 1-4