-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Números 2:1|
At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
-
2
|Números 2:2|
Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.
-
3
|Números 2:3|
At yaong tatayo sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.
-
4
|Números 2:4|
At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.
-
5
|Números 2:5|
At yaong magsisitayo sa siping niya ay ang lipi ni Issachar: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Issachar ay si Nathanael na anak ni Suar.
-
6
|Números 2:6|
At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon ay limang pu't apat na libo at apat na raan.
-
7
|Números 2:7|
At ang lipi ni Zabulon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon, ay si Eliab na anak ni Helon:
-
8
|Números 2:8|
At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.
-
9
|Números 2:9|
Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Juda ay isang daan at walong pu't anim na libo at apat na raan, ayon sa kanilang mga hukbo. Sila ang unang magsisisulong.
-
10
|Números 2:10|
Sa dakong timugan, ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ruben, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben, ay si Elisur na anak ni Sedeur.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer Hebreos 1-3