-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Proverbios 1:1|
Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
-
2
|Proverbios 1:2|
Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
-
3
|Proverbios 1:3|
Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
-
4
|Proverbios 1:4|
Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
-
5
|Proverbios 1:5|
Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
-
6
|Proverbios 1:6|
Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
-
7
|Proverbios 1:7|
Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
-
8
|Proverbios 1:8|
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
-
9
|Proverbios 1:9|
Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
-
10
|Proverbios 1:10|
Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7