-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
10
|Proverbios 18:10|
Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
-
11
|Proverbios 18:11|
Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan, at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
-
12
|Proverbios 18:12|
Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
-
13
|Proverbios 18:13|
Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
-
14
|Proverbios 18:14|
Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit; nguni't ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
-
15
|Proverbios 18:15|
Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
-
16
|Proverbios 18:16|
Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya, at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
-
17
|Proverbios 18:17|
Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap; nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
-
18
|Proverbios 18:18|
Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo, at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
-
19
|Proverbios 18:19|
Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan: at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10