-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
26
|Proverbios 19:26|
Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina, ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan.
-
27
|Proverbios 19:27|
Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
-
28
|Proverbios 19:28|
Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
-
29
|Proverbios 19:29|
Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.
-
1
|Proverbios 20:1|
Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.
-
2
|Proverbios 20:2|
Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay.
-
3
|Proverbios 20:3|
Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.
-
4
|Proverbios 20:4|
Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman.
-
5
|Proverbios 20:5|
Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa.
-
6
|Proverbios 20:6|
Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat?
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10