-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
2
|Proverbios 27:2|
Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
-
3
|Proverbios 27:3|
Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
-
4
|Proverbios 27:4|
Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
-
5
|Proverbios 27:5|
Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
-
6
|Proverbios 27:6|
Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
-
7
|Proverbios 27:7|
Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
-
8
|Proverbios 27:8|
Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
-
9
|Proverbios 27:9|
Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
-
10
|Proverbios 27:10|
Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
-
11
|Proverbios 27:11|
Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7