-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|Romanos 4:1|
Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman?
-
2
|Romanos 4:2|
Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
-
3
|Romanos 4:3|
Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.
-
4
|Romanos 4:4|
Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.
-
5
|Romanos 4:5|
Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
-
6
|Romanos 4:6|
Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa,
-
7
|Romanos 4:7|
Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
-
8
|Romanos 4:8|
Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
-
9
|Romanos 4:9|
Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
-
10
|Romanos 4:10|
Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7