-
Leia por capÃtulos
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
1
|Jó 3:1|
Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
-
2
|Jó 3:2|
At si Job ay sumagot, at nagsabi,
-
3
|Jó 3:3|
Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.
-
4
|Jó 3:4|
Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.
-
5
|Jó 3:5|
Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
-
6
|Jó 3:6|
Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
-
7
|Jó 3:7|
Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
-
8
|Jó 3:8|
Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
-
9
|Jó 3:9|
Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:
-
10
|Jó 3:10|
Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 21-21