-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905) -
-
37
|Lamentações 3:37|
Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
-
38
|Lamentações 3:38|
Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti?
-
39
|Lamentações 3:39|
Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
-
40
|Lamentações 3:40|
Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
-
41
|Lamentações 3:41|
Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
-
42
|Lamentações 3:42|
Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
-
43
|Lamentações 3:43|
Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
-
44
|Lamentações 3:44|
Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
-
45
|Lamentações 3:45|
Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
-
46
|Lamentações 3:46|
Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
-
-
Sugestões

Clique para ler Apocalipse 22-22