-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
38
|1 Crónicas 4:38|
Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.
-
39
|1 Crónicas 4:39|
At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
-
40
|1 Crónicas 4:40|
At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
-
41
|1 Crónicas 4:41|
At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.
-
42
|1 Crónicas 4:42|
At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.
-
43
|1 Crónicas 4:43|
At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito.
-
1
|1 Crónicas 5:1|
At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.
-
2
|1 Crónicas 5:2|
Sapagka't si Juda'y nanaig sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniya nanggaling ang pangulo; nguni't ang pagkapanganay ay kay Jose:)
-
3
|1 Crónicas 5:3|
Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: si Enoch, at si Phallu, at si Esron, at si Charmi.
-
4
|1 Crónicas 5:4|
Ang mga anak ni Joel: si Semaias na kaniyang anak, si Gog na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak,
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16