-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
28
|1 Crónicas 9:28|
At ang ilan sa kanila ay may katungkulan sa mga kasangkapan na ipinaglilingkod; sapagka't ayon sa bilang ipinapasok, at ayon sa bilang inilalabas.
-
29
|1 Crónicas 9:29|
Ang ilan naman sa kanila ay nangahalal sa kasangkapan, at sa lahat ng mga kasangkapan ng santuario, at sa mainam na harina, at sa alak, at sa langis, at sa kamangyan, at sa mga espesia.
-
30
|1 Crónicas 9:30|
At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay nagsisipaghanda ng paghahalohalo ng mga espesia.
-
31
|1 Crónicas 9:31|
At si Mathathias, na isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Sallum na Coraita, may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali.
-
32
|1 Crónicas 9:32|
At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita, ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa't sabbath.
-
33
|1 Crónicas 9:33|
At ang mga ito ang mga mangaawit, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, na mga nagsisitahan sa mga silid, at mga laya sa ibang katungkulan: sapagka't sila'y nangalalagay sa kanilang gawain araw at gabi.
-
34
|1 Crónicas 9:34|
Ang mga ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang lahi na mga lalaking pinuno: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.
-
35
|1 Crónicas 9:35|
At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jehiel, na ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maacha:
-
36
|1 Crónicas 9:36|
At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab;
-
37
|1 Crónicas 9:37|
At si Gedor, at si Ahio, at si Zacharias, at si Micloth.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 14-16