-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
7
|1 Crónicas 20:7|
At nang kaniyang hamunin ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David.
-
8
|1 Crónicas 20:8|
Ang mga ito ang ipinanganak sa higante sa Gath, at sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at sa pamamagitan ng kamay ng mga lingkod niya.
-
1
|1 Crónicas 21:1|
At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.
-
2
|1 Crónicas 21:2|
At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila.
-
3
|1 Crónicas 21:3|
At sinabi ni Joab, Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila; nguni't, panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel?
-
4
|1 Crónicas 21:4|
Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yumaon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem.
-
5
|1 Crónicas 21:5|
At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak.
-
6
|1 Crónicas 21:6|
Nguni't ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang; sapagka't ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab.
-
7
|1 Crónicas 21:7|
At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito; kaya't kaniyang sinaktan ang Israel.
-
8
|1 Crónicas 21:8|
At sinabi ni David sa Dios, Ako'y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito: nguni't ngayo'y alisin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagka't aking ginawang may lubhang kamangmangan.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 8-10