-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
14
|1 Reyes 4:14|
Si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim:
-
15
|1 Reyes 4:15|
Si Ahimaas, sa Nephtali; (Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon.)
-
16
|1 Reyes 4:16|
Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot.
-
17
|1 Reyes 4:17|
Si Josaphat, na anak ni Pharua sa Issachar:
-
18
|1 Reyes 4:18|
Si Semei, na anak ni Ela sa Benjamin:
-
19
|1 Reyes 4:19|
Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.
-
20
|1 Reyes 4:20|
Ang Juda at ang Israel ay marami, na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan, at nagiinuman, at nagkakatuwa.
-
21
|1 Reyes 4:21|
At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto: sila'y nagsipagdala ng mga kaloob, at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
-
22
|1 Reyes 4:22|
At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina, at anim na pung takal na harina,
-
23
|1 Reyes 4:23|
Sangpung matabang baka, at dalawang pung baka na mula sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa ang mga usang lalake at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Pedro 1-5