-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|1 Timoteo 5:11|
Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa;
-
12
|1 Timoteo 5:12|
Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya.
-
13
|1 Timoteo 5:13|
At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat.
-
14
|1 Timoteo 5:14|
Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak:
-
15
|1 Timoteo 5:15|
Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.
-
16
|1 Timoteo 5:16|
Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao.
-
17
|1 Timoteo 5:17|
Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.
-
18
|1 Timoteo 5:18|
Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.
-
19
|1 Timoteo 5:19|
Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi.
-
20
|1 Timoteo 5:20|
Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7