-
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
11
|1 Timoteo 2:11|
Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
-
12
|1 Timoteo 2:12|
Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.
-
13
|1 Timoteo 2:13|
Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;
-
14
|1 Timoteo 2:14|
At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;
-
15
|1 Timoteo 2:15|
Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.
-
1
|1 Timoteo 3:1|
Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.
-
2
|1 Timoteo 3:2|
Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo;
-
3
|1 Timoteo 3:3|
Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
-
4
|1 Timoteo 3:4|
Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan;
-
5
|1 Timoteo 3:5|
(Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 1 Corintios 5-7