-
Leer por capítulos:
-
Tagalog - Ang Dating Biblia (1905)
-
-
1
|2 Crónicas 19:1|
At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
-
2
|2 Crónicas 19:2|
At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.
-
3
|2 Crónicas 19:3|
Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.
-
4
|2 Crónicas 19:4|
At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
-
5
|2 Crónicas 19:5|
At siya'y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan.
-
6
|2 Crónicas 19:6|
At sinabi sa mga hukom, Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: sapagka't hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, at siya'y sumasainyo sa kahatulan.
-
7
|2 Crónicas 19:7|
Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.
-
8
|2 Crónicas 19:8|
Bukod dito'y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.
-
9
|2 Crónicas 19:9|
At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.
-
10
|2 Crónicas 19:10|
At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
-
-
Sugerencias
Haga clic para leer 2 Corintios 5-7